Dumistansya ang Malacañang sa naging desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Senador Leila de Lima na ipawalang saysay ang isinampang kaso laban sa kaniya kaugnay sa iligal na droga.
Kasunod na rin ito nang pagbasura ng high trivunal sa petisyon ni De Lima na mangangahulugang mananatili pa ito sa kaniyang pagkakakulong.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi nakikialam ang ehekutibo sa trabaho ng hudikatura dahil isa itong independent branch of government kayat hahayaan ng Palasyo kung anuman ang maging aksyon ng mga mahistrado sa kaso ni De Lima.
Si De Lima ay nahaharap sa tatlong kaso na may kinalaman sa iligal na droga dahil naging talamak ang illegal drug trade sa New Bilibid Prisons nuong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.