Dumistansya ang Malacañang sa pasya ni Chief Justice Maria Loudes Sereno na magbalik na sa trabaho sa Korte Suprema matapos ng mahigit dalawang buwang bakasyon.
Gayundin, sa usapin ng quo warranto petition na kinahaharap nito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagbabalik trabaho ni Sereno at ang umano’y desisyon ng mga mahistrado sa quo warranto laban dito ay isang panloob na usapin ng Korte Suprema.
Iginiit ni Roque, kinikilala ng Malacañang ang judicial independence o kalayaan ng Korte Suprema.
Kanila rin aniyang iginagalang ang separation of powers sa tatlong sangay ng pamahalaan.
—-