Dumistansya ang Malacañang sa posibilidad ng paghihiwalay ng Nationalist People’s Coalition o NPC at ng Liberal Party (LP) dahil sa pagkakaiba ng susuportahaang kandidato sa pagka-Pangulo sa susunod na taon
Ipinaliwanag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, wala silang tuwirang kaalaman hinggil sa galaw ng NPC at kung ano ang pasya ng mga miyembro nito sa nalalapit na halalan.
Sinabi ni Coloma, dapat maging batayan ng anumang koalisyon ang prinsipyo at platapormang ipagpatuloy ang Daang Matuwid
Una rito, nagpahayag na ng suporta ang ilang miyembro ng NPC kay dating Interior Secretary Mar Roxas na pambato ng administrasyon habang ang ilan naman si Senadora Grace Poe ang nais suportahan sa sandaling magpasya na itong tumakbo sa darating na eleksyon.
By Jaymark Dagala