Sinegundahan ng Malakanyang ang pahayag ni Consultative Committee Chairman at dating Chief Justice Reynato Puno, na hindi maaaring magkaroon ng ikalawang termino si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na pag – amyenda sa saligang batas
Giit ni Presidential Spokesman Harry Roque, matagal nang binibigyang diin ng Pangulo na hindi siya interesado na manatili sa pwesto oras na matapos ang kanyang panunungkulan sa 2022.
Dagdag pa Ni roque , makailang ulit na ring sinabi ni Pangulong Duterte na bababa siya ng mas maaga sa pwesto oras na mabago ang kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa Pederalismo.
Matatandaang ilang beses rin inatasan ng Pangulo ang mga sundalo at pulis sa kanyang mga talumpati na barilin siya kapag nagpumilit siyang manatili pwesto.
-Jopel Pelenio