Gumagawa na ng paraan ang pamahalaan para mapagaan ang epekto ng bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ito’y sa gitna pa rin ng nagaganap na girian sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Inihayag ito ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza kasunod ng sinabi ng ilang grupo na hindi sapat ang dagdag na piso sa pasahe sa jeep, maging ang mga fuel subsidy na ipinagkaloob ng gobyerno.
Ipinabatid pa ni erguiza na patuloy na pag-aaralan ang mga long term solution para matugunan ang mga naturang usapin.
Kabilang sa sisilipin ang oil deregulation law.
Tiniyak naman ni erguiza na kahit nasa transition period ang pamahalaan ay patuloy nitong maibibigay ang mga benepisyo sa mga sektor na apektado ng oil price hike.