Kasado na ang Arrival Honors at mahigpit na seguridad sa pagbisita mamayang hapon ni US Vice President Kamala Harris sa Malacañang.
Kaugnay ito sa itinakdang courtesy call ni Harris sa pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.
Inaasahang tututukan nina Pangulong Marcos at Harris ang pagpapasigla pa ng ugnayan at economic ties ng Pilipinas at Estados Unidos.
Bukod dito, si Harris ay nakatakda ring magtungo sa Palawan kung saan bibigyan siya ng briefing ng Philippine Coastguard hinggil sa Maritime Operations nito.
Una nang pinayapa ng Pangulong Marcos ang pangamba hinggil sa posibleng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China na dala nang nasabing pagbisita ni Harris sa bansa.