Nakahanda ang Malakanyang na magdeklara ng holiday sa Metro Manila sakaling magkaroon ng pagmamalabis ang bantang malawakang kilos protesta ng mga militanteng grupo sa Huwebes, Setyembre 21.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakataas pa rin ang National State of Emergency sa buong bansa at dahil dito ay maaaring atasan ng gobyerno ang mga pulis at sundalo na bantayan ang mga lugar na pagdarausan ng mga rally.
Maaari rin anyang arestuhin at i-hold ng 36 na oras ang sinumang raliyista o personalidad na may kahina-hinalang kilos at mag-uudyok ng kaguluhan.
Gayunman, nilinaw ni Lorenzana na wala pa silang natatanggap na impormasyon na may matinding banta ng kaguluhan sa inaasahang araw ng demonstrasyon ng mga grupong tumutuligsa sa pamahalaan.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE