Nakahandang sumagot ang Malacañang sa utos ng Korte Suprema para bigyang-linaw ang kuwestiyon sa pagtalaga ni Pangulong Noynoy Aquino sa dalawang mahistrado ng Sandiganbayan.
Sinabi kahapon ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, inatasan na ng palasyo ang Office of the Solicitor General upang sagutin ang petisyon ng Integrated Bar of the Philippines.
Ayon sa IBP, labag sa batas ang pag-appoint ni Pangulong Aquino kina Justice Frederick Musngi at Geraldine Econg dahil hindi kasama ang pangalan ng mga ito sa shortlist na isinumite sa Judicial and Bar Council.
Batay sa Article 8 Section 9 ng 1987 Constitution, inaatasan ang Judicial and Bar Council na magrekomenda ng mga aplikanteng itatalaga sa Judiciary Position.
Mayroong Siyamnapung araw ang Pangulo na magtalaga batay sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council.
By: Avee Devierte