Kumpiyansa ang Malacañang na magiging maayos na ang nagkalamat na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.
Kasunod ito ng panunumpa ni US President Donald Trump bilang ika-45 Pangulo ng tinaguriang super power ng mundo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hangad nila ang tagumpay ni Trump sa loob ng apat na taong panunungkulan nito.
Kasunod nito, sinabi ni Abella na iginagalang ng Palasyo ang pahayag ni Trump na America First para sa ikabubuti ng kanilang bansa.
Gayunman, nilinaw ng kalihim na bagama’t may mga pagkakapareho ang dalawang bansa, igigiit pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataguyod sa kapakanan ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo.
By Jaymark Dagala