Hindi apektado ang Malakanyang sa mga pasaring ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ukol sa mga umano’y mapagmataas at mayayabang na hari.
Sa kanyang misa sa Manila Cathedral nuong linggo ng palaspas, nagbabala ang Cardinal laban sa mga tinukoy nitong hari na gumagamit ng karahasan para igiit ang kanilang pamumuno.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, posibleng ibang lider ng bansa ang tinutukoy ni Tagle at hindi si Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni Panelo, mapagkumbabang tao ang Pangulo at hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng pang – aabuso lalo ng mga pulis at iba pang opisyal ng gobyerno.
Kung mayruon man aniyang namamatay sa mga police operations tulad ng sa “war on drugs”, ito ay marahil dinidipensahan lamang ng mga pulis ang kanilang mga sarili.
-Jopel Pelenio