Muling tiniyak ng Malacañang na wala sa plano ng Pangulong Rodrigo Duterte ang magdeklara ng Martial Law.
Ayon kay Presidential Legal Adviser Salvador Panelo, kung tutuusin ay puwede nang gawing basehan ang lawak ng operasyon ng illegal drugs sa bansa para magdeklara ng Martial Law pero hindi anya ito gagawin ng Pangulo.
Kaya anya ginagawa ng Pangulo ang paglalantad ng mga pangalan ng mga sangkot sa droga ay para matapos na ang problema at hindi na kailanganin pang magdeklara ng Martial Law.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Legal Adviser Salvador Panelo
Hero’s burial for Marcos
Samantala, tiwala naman ang Malacañang na mas nakararaming Pilipino ang susuporta sa desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipalibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi inilihim ng Pangulong Duterte ang kanyang planong pagpapalibing kay Marcos kahit noong panahon pa ng kampanya pero ibinoto pa rin siya ng mas nakararaming Pilipino.
Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na bukas ang Pangulo sa mga kilos protesta na planong gawin ng mga tutol na bigyan ng hero’s burial si Marcos.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Legal Adviser Salvador Panelo
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas