Hindi maglalabas ang Malakanyang ng anumang detalye hinggil sa napagkasunduan at natalakay sa ginanap na National Security Council Meeting.
Inihayag ito ni National Security Adviser Hermogenes Esperon matapos ang kauna-unahang NSC Meeting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dinaluhan ng 4 na mga dating Presidente ng bansa.
Ayon kay Esperon, naging makabuluhan ang pulong dahil isinaalang-alang ang pagsusulong ng kabutihan ng bansa.
Nagpasalamat din si Esperon kina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Noynoy Aquino sa kanilang pakikibahagi sa NSC Meeting at isinantabi ang kanilang personal at political interest.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping