Hindi dapat ipagtaka ang naganap na balasahan sa Senado kung saan pinatalsik sa kani-kanilang committee chairmanship ang ilang Senador na hindi kaalyado ng administrasyon.
Sinabi ni Presidential Spokeman Ernesto Abella, hindi lang naman ngayon nangyari ang revamp dahil nagaganap ito kada Kongreso.
Binigyang-diin ni Abella na mayorya ng Senado ang nagpasya ng mga pagsibak sa committee chairmanship kaya hindi aniyang tamang sabihin na ang Malacañang ang nasa likod ng pagsibak kay Senador Franklin Drilon bilang Senate President Pro Tempore at ilan pang Senador na nawalan ng committee chairmanship.
Sinabi ni Abella na hindi kailanman nakialam ang Malacañang sa mga panloob na usapin ng Senado.
Una nang ipinahayag ni Vice President Leni Robredo na nahuhumaling ang Administrasyong Duterte na masolo ang kapangyarigan kaya pinatalsik si Drilon at ilang Liberal Party Senator
By: Avee Devierte / Aileen Taliping