Hindi natinag ang Malacañang sa resulta ng Pulse Asia Survey kung saan bahagyang bumaba ng dalawang puntos ang approval rating ng Pangulong Rodrigo Duterte subalit siya pa rin ang nananatiling pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na welcome sa kanila ang resulta ng Pulse Asia Survey dahil sa kabila ng demolition job laban sa Pangulo ay ito pa rin ang nakakuha ng 80% kapwa sa approval at trust rating.
Ginawa aniya ang survey nuong September 24 hanggang 30 habang nasa kasagsagan ng paninira sa kaniya ng mga kritiko at idinamay pa ang ilang miyembro ng kaniyang pamilya.
Ayon pa kay Abella magsisilbing hapon at inspirasyon sa gobyerno ang mga nasabing survey para ituloy ang pagbibigay ng serbisyo at komportableng buhay sa mga Pilipino malaya sa iligal na droga at kriminalidad.