Iginiit ng Malacanang na malabong magkaroon ng EJK o Extra Judicial Killings sa Pilipinas.
Paliwanag ni Communications Secretary Martin Andanar, ginagamit lamang ang salitang EJK kung ang isang bansa ay mayroong death penalty na siyang maituturing na judicial killing o ang ligal na pagpatay ng gobyerno sa isang tao na dumaan sa due process.
Sa Pilipinas anya, walang death penalty kaya wala ring EJK.
Dahil dito, ayon kay Andanar, dalawa lang ang nangyari sa mga napatay sa war on drugs nanlaban sa mga pulis o di kayay pinatay ng mga kasamahan nila sa droga.
Sa ilalim ng Administrative Order Number 35 maituturing na isang EJK ang mga pagpatay sa mga mamamahayag o aktibista.