Iginagalang ng Malakaniyang ang naging pasya ng Korte Suprema na nagbabasura sa kasong Plunder laban kay dating Pangulo ngayo’y Kongresista Gloria Macapagal – Arroyo
Kasunod ito ng botong 11-4 ng mga mahistrado ng High Tribunal na pabor sa pagbasura sa kaso ng dating Pangulo hinggil sa paglustay umano sa mahigit 300 Milyong Pisong Intellegence Fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, handa silang tumalima sa anumang magiging desisyon ng mga mahistrado ng High Tribunal
Magugunitang ipinagmalaki ng nakalipas na Administrasyong Aquino ang pagtitiyak na tatayo sa korte ang mga ebidensyang isinampa laban sa dating Punong Ehekutibo
Sa panig naman ni Presidential Spokesman Ernie Abella, hindi pa nila nababasa ang desisyon subalit kinikilala nila ang Korte Suprema bilang hiwalay na sangay ng gubyerno
By: Jaymark Dagala