Ikinalugod ng Malacañang ang magandang pagtanggap ng United Nations Human Rights Council sa ulat ng Universal Periodic Review o UPR.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nailahad na sa nasabing report ang katotohanan sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan sa gitna ng mga batikos na may kaakibat itong paglabag sa karapatang pantao.
Isang katunayan din anya na nakatutugon ang administrasyon sa human rights compliance ang suportang nakukuha nito mula sa mga bansang gaya ng Japan at China.
Idinagdag din ng palace official na ang pag-adopt sa UPR report ay katunayan na kinikilala ng U.N.C.H.R. Ang aksyon ng gobyerno.
Samantala, tiniyak naman ng palasyo na ipatutupad nito ang mga rekomendasyon mula sa ibang mga bansa na isasama sa Philippine Human Rights Plan.