Inaantabayanan ng Malacañang ang final report ng DSWD hinggil sa kanilang imbestigasyon kung napakinabangan ba ng lahat ng Yolanda victims ang pondong inilaan ng gobyerno para sa kanilang mabilis na pagbangon mula pananalanta ng super typhoon Yolanda.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, wala pang update ang tanggapan ni Secretary Judy Taguiwalo matapos ang unang ulat na mahigit sa 200,000 pamilya ang hindi nakatanggap ng emergency shelter assistance mula sa Aquino Administration.
Hinahanap ngayon ng gobyerno kung saan napunta ang pondong dapat sana ay naibigay sa naging biktima ng super typhoon Yolanda Tatlong (3) taon na ang nakararaan.
Pinangasiwaan ng DSWD ang emergency shelter assistance fund sa ilalim ng pamamahala ni dating Secretary Dinky Soliman.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping