Inaasahan na ng Malakanyang na hindi makaka-first base ang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang reaksyon ni Chief Presidential Legal Counsel, Atty. Salvador Panelo matapos ibasura ang reklamo ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano laban sa Pangulo.
Ayon kay Panelo, paulit-ulit na niyang sinabi sa mga interview na hindi maka-uusad ang impeachment complaint dahil ang mga alegasyon ay ibinatay sa mga tsismis.
Ang iba aniyang bintang ay pawang kasinungalingan at ang reklamo ay may layuning siraan ang reputasyon ni Pangulong Duterte.
Malinaw ayon kay Panelo na nais lamang makakuha ng libreng publisidad si Alejano nang isampa ang impeachment complaint laban sa Presidente.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping