Inilarawan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang magiging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas sa kanyang ikalawang State of the Nation Address na magiging prangka, challenging, realistiko subalit may hatid na pag-asa.
Sinabi ni Abella na ang SONA speech ng Presidente ay maglalahad ng mga nagawa sa unang taon ng administrasyon at kung ano ang mga hamong kinakaharap sa kasalukuyan at ang mga magagawa pa sa susunod na 5 taon.
English aniya ang gagamitin ng Pangulo sa kanyang talumpati at kung walang magiging adlib ang Presidente ay aabutin ng 50 minuto ang kanyang inihandang speech.
Nanawagan ang palasyo sa publiko na manood at makinig sa SONA para malaman kung saan papunta ang bansa sa ilalim ng Duterte Administration.
By: Aileen Taliping
Malacañang inilarawan ang magiging talumpati sa SONA ng Pangulo was last modified: July 23rd, 2017 by DWIZ 882