Ipinagtanggol ng palasyo ang puna ng oposisyon na tila kulang ang naging laman ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginanap noong Lunes.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles bagama’t hindi nabanggit ng punong ehekutibo ang ilang isyu sa kanyang talumpati ay hindi nangangahulugang naisantabi na ang mga ito.
Binigyang-diin ng kalihim na inilatag lamang ni PBBM ang mga prayoridad ng kanyang administrasyon ngunit hindi nito kinakalimutan ang iba pang mahahalagang isyu sa bansa.
Dagdag pa ni Angeles, lahat ng mga usapin na may kinalaman sa interes ng bansa at ng publiko ay mapagtutuunan ng pansin sa pagdating ng mga araw dahil bahagi ito lahat ng programa ng Marcos Jr.administration.