Itinanggi ng Malacañang na pagtatakip sa kapalpakan ng PNP ang hakbang niyang ilipat ang anti drug operations sa responsibilidad ng PDEA.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella tumutugon lamang ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyang sitwasyon ng kampanya laban sa iligal na droga.
Isa aniyang corporate decision ang ginawa ng Pangulo kung ikukumpara sa negosyo.
Naniniwala si Abella na kayang gampanan ng PDEA ang responsibilidad na ibinigay sa kanila ng Pangulo kahit pa kakaunti lamang ang kanilang mga tauhan at may access naman aniya ang PDEA sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kayat uubra naman itong makahingi ng tulong kung kinakailangan.
Kasabay nito nanawagan si Abella sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang PDEA na patunayang kaya nilang gawin ang ibinigay na responsibilidad sa kanila.