Itinanggi ng Malacañang na itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Interior and Local Government o DILG si Martin Diño na kasisibak lamang sa pwesto bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA.
Nilinaw ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na wala pa namang pormal na anunsyo ang Pangulo hinggil sa sinasabing appointment kay Diño.
Una nang inamin ni Diño na hindi niya nagustuhan ang paraan ng kanyang pagkakasibak sa SBMA kung saan binigyan lamang umano siya ng tatlong araw para bakantehin ang kaniyang tanggapan.
Si SBMA Administrator Wilma Eisma ang pumalit kay Diño at itinalagang concurrent SBMA Chairperson.
SMW: RPE