Mariing itinanggi ng Malacañang na sila o ang administrasyon ang nasa likod ng lumabas na ‘Naga-Leaks’.
Ito’y isang artikulong kumakalat sa social media na nagbubunyag sa mga umano’y tagong aktibidad ng mag-asawang Vice President Leni at yumaong DILG secretary Jesse Robredo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang panahon para sa pamumulitika dahil mas maraming mahahalagang bagay ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng administrasyon.
Magugunitang inihayag ni Robredo sa isang panayam na isang paraan ng pagpapatahimik sa kaniya ang paglabas ng ‘Naga-Leaks’.
Ngunit sagot ni Abella, malaya si Robredo na maghayag ng kaniyang saloobin bilang pinuno ng oposisyon at maganda aniya ang ginagampanang papel nito sa demokrasya ng bansa.
By Jaymark Dagala