Mariing itinanggi ng Malacañang na may kinalaman sila sa lumabas na advertisement sa telebisyon na bumabatikos kay presidential front-runner Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang katotohanan at lalong walang batayan ang mga ipinupukol na alegasyon nila Duterte at running mate nitong si Senador Alan Peter Cayetano.
Tutok aniya ang pamahalaan sa pagtatamo ng hangarin na maidaos ng malinis, mapayapa at may integridad na halalan at hindi paninira sa mga kandidato.
Umani ng negatibong puna ang lumabas na anti-duterte ads sa telebisyon dahil gumamit pa ng mga menor de edad para bigyang diin ang mga hindi magagandang pahayag ng alkalde sa mga nakalipas na panahon.
By: Jaymark Dagala