Itinanggi ng Malacañang na wawalisin nila ang lahat ng street children sa panahong idaraos ang APEC Summit sa bansa.
Ayon kay Cabinet Secretary Rene Almendras, hindi kailangang magwalis ng tao dahil sa sandaling isara ang Roxas Boulevard, walang kahit na sinong sibilyan ang papayagang magkapasok dito.
Sinabi ni Almendras na hindi puwedeng ikumpara ang seguridad na ipinatupad noong pagbisita ng Santo Papa sa APEC Summit.
“I think we’re clearing Roxas Boulevard po, pagsara nung service road po hindi lang ang street children, lahat ng tao po bawal, may areas po na bawal ang nakatambay doon, whether executive kayo or private businessman, these areas are being secured and closed for security reasons so it doesn’t matter kung sino kayo or whatever the state of life po.” Pahayag ni Almendras.
By Len Aguirre | Ratsada Balita