Malalim ang ginagawang paglalaro ng Malacañang upang matiyak ang panalo ng pambato ng administrasyon sa presidential election.
Kumbinsido si Rizalito David, isa sa mga petitioners para i-disqualify si Senador Grace Poe na ang Malacañang ang nasa likod ng desisyon ng Supreme Court na ibasura ang disqualification case laban kay Poe.
Ayon kay David, ayaw ng Malacañang na ma-disqualify si Poe dahil siguradong kay Vice President Jejomar Binay mapupunta ang mga boto para kay Poe.
Kasabay nito ay pilit ring idinidikit ng Malacañang sa Pangulong Benigno Aquino III si Poe upang lahat ng galit sa presidente ay hindi boboto o susuporta kay Poe.
“Malalim yung laro sa bagay na ito at malaki talaga ang kinalaman ng Palasyo sa nangyaring botohan, mas mamarapatin pa ng grupo ni Noy Aquino, ng Palasyo at ni Mar Roxas na huwag ma-disqualify si Grace, dahil siguradong mananalo si Binay kapag nawala siya sa labanan.” Pahayag ni David.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas