Kumpiyansa ang Malacañang na mananatiling matatag ang economic fundamentals na tinatamasa ngayon ng Pilipinas.
Ito ang sagot ng palasyo sa babala ng International Credit rating agency na Moody’s na posibleng peligro ang idulot ng pagpapalit ng foreign policy ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, patuloy na igagalang ng administrasyon ang mga kontrata sa pagitan ng gubyerno at pribadong sektor kaya’t walang dapat ipag-alala ang publiko hinggil dito.
Katunayan, sinabi ni Andanar na bumaba ang antas ng kahirapan at nananatiling matatag ang inflation rate ng bansa kaya’t hindi dapat mag agam-agam ang mga negosyante na makasasama sa tinatamasang paglago ng ekonomiya ang mga bagong polisiya ng administrasyon.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping