Inihayag ng palasyo na lalahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa unang araw ng high-level general debate sa 76th United Nations General Assembly na isasagawa sa Setyembre 21 hanggang 27.
Kabilang sa mga tatalakayin ng Pangulo ang pagharap ng Pilipinas sa pandemya, climate change, human rights, international security at kalagayan ng mga manggagawa at refugees.
Pangungunahan naman ni Abdulla Shahid, Minister of Foreign Affairs ng Maldives at incoming President ng 76th UNGA, ang nasabing high-level general debate.
Ang United Nations General Assembly ang main deliberating organ ng UInited Nations na mayroong 193 member states.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico