Magkakaroon na ng Social Media Corps sa Malacañang.
Ito ang kinumpirma ng ilang bloggers na itinuturing na haligi ng Duterte supporters sa kanilang diskusyon, gaya nina Thinking Pinoy o RJ Nieto sa totoong buhay, Sass Rogando Sassot, at si MTRCB Board Member Mocha Uson.
Ayon kay Thinking Pinoy, sinang-ayunan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang suhestiyon na magkaroon ng Social Media Press Corps sa Malacañang.
Dahil dito, sinabi ni Thinking Pinoy na ang Pilipinas ang unang bansa na nagkaroom ng opisyal na bloggers group na magko-cover sa isang Presidente.
Maalalang sinabi ng mga eksperto na ang social media ang isa sa mga nagpanalo kay Pangulong Duterte sa nakaraang Presidential Elections.
Samantala, lumalabas sa isang pag-aaral sa United Kingdom na ang Pilipinas ang itinuturing na social media capital mg mundo.
By: Avee Devierte / Allan Francisco