Malaki parin ang tiwala ng Malakanyang na magiging bukas pa rin ang Makabayan Bloc na makatrabaho ang pamahalaan kahit tumiwalag na sa administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, umaasa sila na maging bukas pa rin ang mga militanteng Kongresista sa pakikipagtulungan sa gobyerno sa mga issue na magiging kapaki-pakinabang sa lahat.
Magugunitang inihayag ng Makabayan na nawala na umano ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila kaya’t kumalas sa super majority ng Kamara.
Ito’y makaraang mabigong makalusot sa Commission on Appointments ang dalawang militanteng cabinet member na sina dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE