Hinamon ng Malacañang ang 12 mga bagong upong senador na magkaroon ng maayos na hakbang partikular na ang mga ibabalangkas na batas para sa ikabubuti ng mga mamamayang pilipino.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at communication Secretary Martin Andanar, panahon na para magbigay ng serbisyo at mag-trabaho nang maigi ang naturang mga senador para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sinabi ni Andanar na dapat magampanan ng mga new elected senators ang kani-kanilang mga mandato at tungkulin sa bansa dahil mayroong “sense of hope at optimism” sa mga bagong halal na senador.