Hinamon ng Malacañang ang mga tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay na ilabas ang mga nalalamang kasinungalingan laban kay Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ang buwelta ng palasyo kasunod ng pahayag ng kampo ni Binay na mag-ingat umano ang ehekutibo sa mga hinihiling nito dahil mas marami pang banat na ilalabas laban sa administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kung mayroong armas ng kasinungalingan ang mga tagapagsalita ni Binay, mayroon namang armas ng katotohanan ang Pangulong Aquino.
Nag-ugat ang mainit na palitan ng mga salita ng palasyo at kampo ni Binay matapos upakan ng Pangalawang Pangulo ang Aquino administration.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)