Nagbabala ang Malacañang na kanilang ipapaaresto ang mga kasabwat at nagpopondo sa CPP-NPA na idineklara nang terorista ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw sa Human Security Act at United Nations Security Council na ipinagbabawal ang pagbibigay ng pondo sa mga terrorist organization.
Binigyang diin ni Roque na kasunod ng proklamasyon ni Pangulong Duterte ay may kapangyarihan na ang mga law enforcement agencies para habulin at arestuhin ang mga financier ng koministang grupo.
Matatandaang sinabi na rin noon ng Pangulo na kanyang ipasasara ang mga kumpanya ng minahan na hindi titigil sa pagbabayad ng revolutionary tax.
—-