Nagbigay ng tulong ang Gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Overseas Labor Ofiice (POLO) sa Hong Kong sa mga OFWs na dinapuan ng COVID-19.
Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ang POLO ang siyang agarang nagbigay ng tulong sa mga ofws tulad ng pagkain, hygiene kits at power banks habang naghihintay ng tawag mula sa Center for Health protection at HK Labour Department.
Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang polo sa non-government organization upang magbigay ng isolation facility para ma accomodate ang ilan pang OFWs.
Nakikipag-ugnayan din aniya ang polo sa HK Labour Department, kung saan nagtayo ng isolation facility para sa mga kababayang filipino, pending admission sa quarantine facility, maliban pa sa pagbibigay ng transportation arrangements.
Samantala, magbibigay naman ng tulong ang owwa para sa bawat OFW na COVID-19 positive.