Inihayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naghahanda na ang pamahalaan para sa paglipat sa Alert Level 1 o ang “new normal” sa gitna ng posibilidad na maging endemic ang COVID-19 Pandemic.
Ayon sa IATF, maaaring ideklara ang Alert Level 1 sa mga lugar na mababa at bumababa ang kaso ng transmission ng virus.
Sa ilalim ng alert level system ng gobyerno, may pagpapasya ang lokal na pamahalaan na ilagay ang isang lugar, na idineklara bilang “kritikal” sa virus sa ilalim ng granular lockdown.
Gayunpaman, iginiit ni Vergeire na ang publiko ay dapat na patuloy na sumunod sa mga health protocols, tulad ng pagsusuot ng face mask at pagpapanatili ng social physical distancing. —sa panulat ni Kim Gomez