Isinapubliko ng Malacañang ang updated list o ika-12 Regular Foreign Investment Negative List hinggil sa pamumuhunan ng ibang bansa sa Pilipinas.
Inilabas ng palasyo ang mga limitadong lugar kung saan maari at hindi maaaring mamuhunan o mag invest ang mga Pilipino at mga dayuhan sa bansa.
Sa ilalim ng Executive order no. 175, hindi pinapayagan ang foreign equity sa mga sumusunod:
- Mass media at internet business
• Practice of profession maliban sa ilang kaso na pinapayagan ng batas
• Retail trade enterprises na mayroong paid-up capital na mas mababa sa ₱25 million
• Cooperatives
• Mga organisasyon at operasyon ng private detectives, watchmen o security guard agencies
• Small scale mining
• Utilization ng Marine Resource na sakop ng Pilipinas
Samantala, papayagan naman ang Foreign Equity sa mga sumusunod:
- 25% Foreign Equity sa Private Recruitement
• kontrata para sa konstruksyon ng Defense-related structures
• 30% Foreign Equity para sa Advertising
• 40% para sa procurement ng Infra Projects
• Exploration, Development at Utilization ng Natural Resources.
Ang nasabing listahan ay pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte noong June 27, 2022.