Naglabas ng pahayag ang Malacañang matapos mapaulat ang sinasabing pagbibitiw sa puwesto ni Presidential Management Staff o PMS Secretary Naida Angping.
Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil, hiniling ni Angping kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang maglaan muna ng personal na oras sa sarili at sa kanyang pamilya.
Sinabi ni Garafil na pumayag din ang punong ehekutibo sa hirit ni Angping.
Hindi naman nilinaw ni Garafil kung resignation o leave of absence ang ginawa ni Angping.
Una nang kumalat sa social media na nag-resign si Angping at nakatakda umano itong italaga bilang Philippine Ambassador to Portugal.