Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa atletang unang nakasungkit ng gintong medalya sa 31st Southeast Asian o Sea Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.
Nasungkit ni Mary Francine Padios ang nasabing medalya makaraang matalo si Indonesian Puspa Arumsari sa Women’s Artistic Seni Tunggal Event ng 2021 Sea Games sa Bac Tu Liem Gymnasium sa nasabing bansa kahapon.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ipinagmamalaki ng Palasyo ang mga Pilipino athlete na lumahok para ipakilala ang Pilipinas sa nasabing kompetisyon.
Umaasa rin ang opisyal na makakahakot pa ng mas maraming medalya ang bansa sa tulong ng mga atletang pinoy na kasali sa iba’t-ibang kompetisyon sa Vietnam.