Nagpaabot ng pakikiramay at dasal ang Malacañang sa pagpanaw ng negosyanteng si Lucio Bong Tan Jr., Presidente ng PAL Holdings Incorporated.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, personal niyang kilala si Tan na isa aniyang mabuting kapatid, anak at epektibong corporate man.
Aniya, pinahanga siya ni Tan sa pagiging mababang loob nito, seryosong tao at pala ngiti.
Batay sa impormasyon mula sa kapatid ni Tan na si Vivienne, nasawi ang negosyante, pasado 8:48 a.m. kahapon, Nobyembre 11, sa edad na 53 dahil sa brain herniation.
Sabado, Nobyembre 9, nang isugod si Tan sa ospital matapos himatayin habang naglalaro ng basketball sa Mandaluyong City.