Nagpaliwanag ang Malakanyang kung bakit maingat sila sa pagbibigay ng pahayag sa mga gagawing hakbang matapos pumabor sa Pilipinas ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa isyu sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lamang ang China kundi kasama rin ang Amerika at iba pang mga kaalyadong bansa sa mga isinasaalang-alang ng gobyerno.
Idinagdag pa ng Pangulo na kapag nakompromiso ang sea lane o daanaan ng mga barko sa West Philippine Sea, hindi malayong tataas ang gastos sa mga kargamento, mga barko at iba pa na maaaring magbunga ng panibagong problema at posibleng maapektuhan ang ekonomiya ng bansa at sa rehiyon.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping