Nagpaliwanag ang Malakanyang sa pagkaantala ng pamimigay ng relief goods sa mga biktima ng lindol sa Surigao Del Norte
Kasunod ito ng pag angal ng mga survivor dahil sa matagal na pamimigay ng tulong nuong bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Surigao nuong weekend
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, desisyon ng lokal na pamahalaan na hintayin ang pagdating ng Pangulo bago ipamahagi ang relief goods
Inamin din ni Abella na walang sapat na distribution system kung kaya natagalan ang pamamahagi
Ngunit paglilinaw ng opisyal, bago pa man dumating ang Pangulo ay nag ikot na at nagbigay ng may 3000 food packs ang mga tauhan ng DSWD – CARAGA Region
By: Rhianne Briones