Nagpasalamat ang Malakaniyang sa alok na 3. 8 Million Euros na tulong ng European Union para palakasin ang drug rehabilitation program ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque walang kondisyon ang nasabing tulong kayat tinanggap ito kaagad ng Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw aniyang makumpromiso ang dignidad ng bansa.
Ang alok na tulong aniya ng EU ay patunay na kinakatigan nila ang domestic approach ng Pangulo na ang anti drug war ay usaping pang kalusugan ng publiko.
Ang naturang tulong ng EU ay ibibigay sa Department of Health para magamit sa drug rehabilitation program ng gobyerno.
Judith Estrada-Larino / Jopel Pelenio / RPE