Pinasalamatan ng Malakanyang ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.
Ito ay kasunod ng pag-imbita ng nasabing komite kina Presidential Son Vice Mayor Paolo Duterte at Son In-Law Atty. Manases Carpio.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dahil sa naging imbitasyon ay nagkaroong ng pagkakataon sina Vice Mayor Duterte at Carpio na pabulaanan ang mga akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV at patunayang walang basehan ang mga ito.
Iginiit pa ni Abella na nauwi lamang sa pagbibigay kahulugan sa tattoo at paglalantad ng umano’y mga bank accounts ang naging takbo ng pagtatanong ni Trillanes sa halip na pagpapakita ng matibay na mga ebidensya sa akusasyon.
Ulat ni Aileen Taliping