Tiniyak ng Malacañang sa publiko na nakahanda ang mga ahensya ng gobyerno sakaling magkaroon ng gulo sa magiging resulta ng 2022 National and Local Elections.
Kasunod ito ng kumakalat na balita na posibleng magkaroon ng kaguluhan kung mananalo si frontrunning presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa darating na eleksiyon.
Ayon kay Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, patuloy na babantayan ng mga alagad ng batas ang kapayapaan at kaayusan sa halalan.
Matatandaang sa naging Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaniya ding tiniyak sa publiko na magiging maayos at mapayapa ang botohan kung saan, binalaan niya ang mga nais magsagawa ng karahasan sa bansa sa gitna ng halalan.