Inihayag ngayon ni Communications Sec. Martin Andanar na nakatanggap ang pamahalaan ng intelligence report kaugnay sa pinaplanong pag-atake ng teroristang grupo na Daulah Islamiyah sa isang lunsod sa bansa.
Base aniya sa impormasyon na nakarating sa Palasyo, konektado ang Daulah Islamiyah sa Maute at Abu Sayyaf terrorist group.
Giit ni Andanar, nangangahulugan lamang ito na kailangan nang maipatupad ang martial law extension sa Mindanao na una nang inirekomenda ng Armed Forces of the Philippines o AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi pa ni Andanar, na hanggang sa ngayon nagpapatuloy ang recruitment activities ng Daulah Islamiyah group sa ilang lugar sa Mindanao.