Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni dating Senador Ernesto Maceda.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na nakikiisa sila sa panalangin para sa kaluluwa ng namayapang Senador.
Idinagdag pa ni Coloma na hindi matatawaran ang serbisyong inialay ni Maceda para sa bansa sa mahigit 5 Dekada nitong pagsisilbi sa mga Pilipino.
Si Maceda ay isang magaling na mambabatas, naging Ambassador din sa ibang bansa at binansagang “mr. expose” dahil sa mga sensitibong isyu na ibinubunyag nito sa Kongreso.
Lunes ng gabi nang pumanaw si Maceda dahil sa multiple organ failure sa edad na 81.
By: Meann Tanbio