Nanawagan ang Malacañang sa mga opisyal ng COMELEC o Commission on Elections na magkaisa para hindi makumpromiso ang kanilang trabaho.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella ay dahil nag-aalala na sila lalo na’t apektado na aniya ang trabaho sa COMELEC sa hindi pagkakaunawaan ng mga opisyal nito.
Sinabi ni Abella na hindi manghihimasok ang Palasyo sa panloob na usapin ng COMELEC kaya’t dapat na ayusin ng mga opisyal ang kanilang gusto para maging maayos ang operasyon ng tanggapan.
Magugunitang hiniling ng anim na commissioners ng COMELEC na mag-bakasyon muna o kaya ay magbitiw na sa tungkulin ang Chairman nilang si Andres Bautista dahil sa kinakaharap na kontrobersyal hinggil sa ill gotten wealth umano nito.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE