Nanawagan ang Malacanang sa publiko na hayaang gumulong ang batas sa kaso ni Kian Loyd Delos Santos.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naihatid na sa huling hantungan si Kian at kasampahan na ng kaso ang mga Pulis-Caloocan na itinuturong responsable sa pagkamatay nito.
Nagpapatuloy din aniya ang hiwalay na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation kayat hayaang magtrabaho at gawin ng mga otoridad ang nararapat sa kaso.
Matatandaang mga pulitiko at mga taga-Simbahan ang naging maingay sa pagkamatay ni Kian Delos Santos at iginigiit na itigil na ang mga pagpatay kaugnay sa kampanya kontra illegal na droga.
By: Aileen Taliping
SMW: RPE