Nanindigan ang Malakanyang na kinonsulta ang mga economic managers sa gobyerno bago nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na putulin na ang mga tinatanggap na tulong mula sa European Union.
Ito ang tugon ng palasyo makaraang ihayag ni NEDA Director General Ernesto pernia Na hindi nakonsulta ang economic team at hindi rin natalakay sa cabinet meeting ang isyu sa pagkansela ng aid mula sa E.U.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella Na sa kanyang pagkakaalam, nanggaling sa Department of Finance ang rekomendasyon kaya’t mali aniyang sabihin na hindi sila nakonsulta sa bagay na ito.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping